Agosto 29 Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Basic Education Department ang kanilang mga talento sa iba't ibang patimpalak gaya ng pag-awit, sabayang pagbasa, sabayang pagbigkas, at pagtatanghal ng mga mitikal na nilalang. Bukod dito, nagkaroon din ng mga gawain sa loob ng silid-aralan kung saan ipinakita nila ang kanilang husay sa pagsulat ng tula, paglikha ng poster, tagisan ng talino, pagbaybay, at mga larong Pinoy.