About Sentro ng Wika at Kultura

Preserving, sharing, and celebrating the rich cultural heritage of Occidental Mindoro.

Our Story

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang bagong sangay ng KWF sa mga rehiyon, lalawigan, at bayan alinsunod sa pinagtibay na Kapasiyahan ng mga Komisyoner Blg. 13-22 serye 2013 na pinamagatang “Pinagtibay ang Kapasiyahan sa Reoryentasyon ng Sentro ng Wika at Kultura ng KWF.” Ipinahihiwatig mismo ng bagong pangalan ang bago at higit na malawak na oryentasyon ng SWK sa ilalim ng pangangasiwa ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito. Ipinakikita sa pamamagitan ng naturang reoryentasyon sa direksyon ng Sentro ang pananalig ng KWF sa wika bilang aktibong bahagi ng buhay ng sambayanan at sa gayon ay imbakan ng karunungan at karanasan ng lipunan. Kultura ang nilalaman ng wika, kaya higit na kongkretong saliksikin at pahalagahan ang wika kaugnay ng kultura ng madlang gumagamit nito tungo sa layuning magamit ang Filipino na pangunahing midyum sa saliksik lalo sa mga larang akademiko.

Mission

Itaguyod ang patuloy na pag-unlad at paggamit ng Filipino bilang Wikang Pambansa at pangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, kaunlaran ng sambayanang Filipino. at

Maging kaagapay ng rehiyon, lalawigan, bayan o institusyon sa pagkilala at pagpapatatag ng pamanang kultural at sining tungo sa pagpapaunlad ng wikang katutubo at preserbasyon nito.

Vision

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ay sangay ng KWF sa mga rehiyon, lalawigan at bayan ngangasiwa sa mga palihan, seminar Gawad at iba pa sa layuning maipalaganap ang Wikang Filipino magamit bilang midyum ng saliksik sa mga larang akademiko; gayundin, upang maitaguyod, mapangalagaan, at mapaunlad ang mayamng pamanang kultural ng pook na kinalalagyan nito.

What Makes This Platform Unique

Built for collaboration, preservation, and accessibility.

Community-Driven

Contributors and culture-bearers help shape and validate the content, ensuring authenticity and representation.

Accessible & Inclusive

Designed for students, educators, researchers, and the general public with mobile-friendly interfaces and clear navigation.

Preservation First

We emphasize respectful sharing, proper attribution, and long-term preservation of cultural knowledge.

Batayan ng Sentro ng Wika at Kultura

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang bagong sangay ng KWF sa mga rehiyon, lalawigan, at bayan alinsunod sa pinagtibay na Kapasiyahan ng mga Komisyoner Blg. 13-22 serye 2013 na pinamagatang "Pinagtibay na Kapasiyahan sa Reoryentasyon ng Sentro ng Wika at Kultura ng KWF." Ipinahihiwatig mismo ng bagong pangalan ang bago at higit na malawak na oryentasyon ng SWK sa ilalim ng pangangasiwa ng pook (bayan, lalawigan, o rehiyon) na kinalalagyan nito. Ipinakikita sa pamamagitan ng naturang reoryentasyon sa direksyon ng Sentro ang pananalig ng KWF sa wika bilang aktibong bahagi ng buhay ng sambayanan at sa gayon ay imbakan ng karunungan at karanasan ng lipunan. Kultura ang nilalaman ng wika, kaya higit na kongkretong saliksikin at pahalagahan ang wika kaugnay ng kultura ng madlang gumagamit nito tungo sa layuning magamit ang Filipino na pangunahing midyum sa saliksik lalo sa mga larang akademiko.

Gamapanin ng Sentro ng Wika at Kultura

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ay sangay ng KWF sa mga rehiyon, lalawigan, at bayan na nangangasiwa sa mga palihan, seminar, gawad at iba pa sa layuning maipalaganap ang Wikang Filipino, magamit bilang midyum ng saliksik sa mga Larang akademiko; gayundin, upang maitaguyod. mapangalagaan, at mapaunlad ang mayamang pamanang kultural ng pook na kinalalagyan nito.

Mga layuning pangkalidad ng patakaran

(a) Manguna at magtaguyod ng mga programa na magtatanghal ng identidad at pagsusulong ng kultura ng pook na kinalalagyan.

(b) Pasiglahin ang tangkilik ng Estado sa pamamagitan ng makabuluhang mga saliksik at pag-aaral tungkol sa wika at kultura ng pook

(c) Ipabatid sa madla ang mga kalakaran, patakaran, at programang pangwika upang mapahusay ang paraan ng pagtuturo ng mga guro at maunawaan ng mga estudyante o pangkalahatang publiko.

(d) Tumulong at pumatnubay pagsasagawa pambansa/panrehiyong programa ng KWF. sa ng mga proyekto at

(e) Taunang isulong at pangasiwaan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at pag-alaala sa Araw ng Balagtas, at katawanin ang KWF sa pagtupad ng mga pangunahing programang isinusulong malalaking kumperensiya. gaya ng

(f) Magtatag ng aklatan na naglalaman ng mga publikasyon ng KWF at koleksiyon.

Mga paglilingkod at Pasilidad ng Sentro ng Wika at Kultura

1. Pagpapalaganap ng Wikang Filipino.

2. Pagtataguyod, Pangangalaga, at Pag-unlad ng mayamang pamanang kultural.

3. Pananaliksik, Pangwika, Pampanitikan at Pangkultura.

4. Pagtataguyod at Pagtulong sa mga katutubo at iba pang Samahan sa mga Adhikaing Pangwika at Pangkultura.

5. Pagtataguyod at pagtulong sa lahat ng Kampanya at Proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino.

6. Pagtatatag at Pangangalaga sa sinupan at Sentro ng Wika at Kultura.

7. Pangunguna at Pangangasiwa sa mga Pagtatanghal ng Sining, Panitikan at Kultura.

Organizational Chart

Current active organizational structure

Organizational Chart
Updated on Oct 17, 2025 9:48 AM

Be Part of the Story

Whether you are a student, educator, researcher, or community member, you can help document and share the rich cultural traditions of Occidental Mindoro. Submit stories, contribute photos and videos, or collaborate on projects that uplift our shared heritage.

About Sentro ng Wika at Kultura

Connect With Us

Have suggestions or want to collaborate? We'd love to hear from you.

Cultural Guide Assistant

Hello! I'm here to help you explore Occidental Mindoro's cultural heritage. How can I assist you today?

Please select a campus to view available guide questions.
Oo. Ang mga aktibidad tulad ng Buwan ng Wika, cultural shows, exhibits, at workshops ay regular na ia-update sa website.
Bukas ito para sa lahat ng estudyante, guro, mananaliksik, at miyembro ng komunidad na nais matuto tungkol sa wika, sining, at kultura ng Occidental Mindoro.
Onion Ice Cream is a unique delicacy created by Occidental Mindoro State College (OMSC). It uses the province’s famous onions as the main ingredient, turning them into a sweet and creamy dessert. This special treat showcases the creativity of OMSC while promoting local products.
Kabilang dito ang pananaliksik sa wika, pagsasalin, seminar at workshop, cultural mapping, paligsahan sa sining at panitikan, at mga aktibidad na nagpo-promote ng kultura at sining ng Occidental Mindoro.
Ang SWK ay opisina sa Occidental Mindoro State College na nagtataguyod ng wikang Filipino at kultura ng mga Mindoreño. Layunin nitong mapanatili, mapalaganap, at mapahalagahan ang ating wika, sining, at pamana.
Oo. Ang mga aktibidad tulad ng Buwan ng Wika, cultural shows, exhibits, at workshops ay regular na ia-update sa website.
Bukas ito para sa lahat ng estudyante, guro, mananaliksik, at miyembro ng komunidad na nais matuto tungkol sa wika, sining, at kultura ng Occidental Mindoro.
Onion Ice Cream is a unique delicacy created by Occidental Mindoro State College (OMSC). It uses the province’s famous onions as the main ingredient, turning them into a sweet and creamy dessert. This special treat showcases the creativity of OMSC while promoting local products.
Kabilang dito ang pananaliksik sa wika, pagsasalin, seminar at workshop, cultural mapping, paligsahan sa sining at panitikan, at mga aktibidad na nagpo-promote ng kultura at sining ng Occidental Mindoro.
Ang SWK ay opisina sa Occidental Mindoro State College na nagtataguyod ng wikang Filipino at kultura ng mga Mindoreño. Layunin nitong mapanatili, mapalaganap, at mapahalagahan ang ating wika, sining, at pamana.