HAPPENING NOW: OMSC San Jose, Main Campus, ipinagdiwang ang buwan ng Wika 2025
Sa paglalayong mapalaganap at mapanatili ang wikang pambansa, ipinagdiwang ng OMSC San Jose at Main campus ang Buwan ng Wika 2025 sa pangunguna ng mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento, Setyembre 2.
Itinampok sa pagdiriwang ang mga paligsahan sa Katutubong Sayaw tulad ng Pandanggo sa Ilaw at Maglalatik, at ang Ginoo at Binibining Buwan ng Wika 2025.